7/29/2008

SWELDO KO NGAYON... PERO HINDI AKO EXCITED


It's payday time. Haaay. Dati excited pa akong sumuweldo. Pero ngayon hindi na. Para ngang ayoko na lang sumuweldo dahil ganoon din naman. Hindi ko rin naman maeenjoy. Ang labo kasi eh.

Sa araw-araw kasi, apektado ang krisis. Una, mataas na pamasahe. Masyadong mahal na ang pamasahe. Hindi mo mapapansing mahal siya kung pagbabatayan mo ang isang araw. Pero kapag ikaw ay gaya ko na tuwing kinsenas katapuan lang nagkakaroon ng pera, magugulat ka sa laki ng pamasahe mo. Pagkakuha ko ng sweldo ko, bnabawas o tinatabi ko na kagad ang pangpamasahe ko. Nagbibigay ako ng mga excess kung halimbawang may mga emergency na kailngang bilhin gaya ng porn. Malupit ang ekonomiya. Tinatapakan na niya ako, nilulubog pa niya ako ng malalim. Kun tutuusin, di naman aklo dapat mamoblema sa pera dahil kumikita naman ako, iba lang talaga pag budgeted na ang lahat. hindi na ako mkagalaw. Masakit na sa ulo ang pagbubudget. Pangalawa, punyeta na ang presyo ng mga bilihin ngayon. Dati, nagagwa ko pang kumain sa JOLIBEE pag inatake ako ng sweet na gutom lang. Nakakbili p ako ng "B1 double-go-large at ng isang regular spaghetti. Nagyon? Pumaapasok na lang ako doon para manghingi ng courtesy cup at makiinom ng tubig. Ang mahal na talaga. Ultimo mga candy ngayon piso n ang halaga. Pambihira talaga. Kung ako lang ay may special powers nagnakaw na ako ng pera ng mga huklubang politiko.

Dumadami na rin ang style ng panghihingi ng pera. Sa kalye pa lang eh. Dati tamang "palimos na linya lang eh, ngayon sumasayaw at kumakanta na. Meron pang mga gumagamit sa Diyos makahuthot lang ng pera sa mga tao. Naiinis ako pag may mga taong ganoon. Hindi nila alam na sa mata ng mga kagaya ko, isang ka-imoralan ang ginagawa nila. Nanloloko sila ng kapwa. Ang llaki ng mga katawan ayaw magtrabaho. At wag nilang idadahilan sa akin na walang trabaho dahil nagkalat ang trabaho sa lansangan. Ayaw lan nila magtiyaga. Naural hindi naman isang apply lang eh kuha ka na. Kaya limalaki ang rate ng unemployed. May mga tao kasing nawiwili sa kakatambay at kakatoma ng alak. May isa pa ngang bbae na dala ang kanayang anak na my hydrocephalus na nakaupo sa MRT. Umiiyak siya at nagdadrama doon. Kumukuha ng awa. Eh kung dinadala na niya ang anak niya sa ospital at tsaka sa kumilos, eh di may kinahantungan pa siya, hindi yung dinadamay pa niya anak niya. Artista na rin ang mga pulubi nayon. Pamatay na magbigay ng pubhline isang beses sa QUEZON AVE "Kuya pengeng barya, hahanapin ko lang ang kapatid kong nawawala, uuwi rin ako kagad pag nakita ko na siya. Kailangan ko lang talaga ng pera pamsahe pauwi namin". Di ba? Nagmomonologue sa harapan ko yun. Di ko nga binigyan. Pang-rurugby lang naman niya yun.

Nakakinis na sa hirap ng buhay, nababago ng lahat ng ugali ng tao. Masakit mang isipin pero wala na tayong magagawa kundi patuloy na mamaluktot sa kumot. Nakakpikon na ang balita na puro pagtaas na lang nilalaman. Haay buhay!


7/28/2008


ANG MGA BISAYA.


Bisaya ang nanay at tatay ko. Pero kahit kailan, wala akong nadapt na lingwahe sa kanila. Kahit man lang yung accent nila hindi ko nakuha. Laking manila kasi kaya ganun.

Matitigas ang dila ng mga bisaya. As in matigas. Hindi ata nila maunat ang dila nila kapag binibigkas ang ibang mga letra. Pag si mama galit sa akin at magsisimula nang mapikon dahil hindi ko malinis-linis ang kwarto ko, magbubunganga na yun. As in literal na bunganga. Maingay. Parang hyper machine gun ng METAL SLUG. Pero magtataka na pag glit ang mga bisaya. Parang manilenyo at manilenya na ang accent. Inasar ko pa nga si mama nun, sabi ko "Ma, accomplishment yan ah, straight tagalog, walang bahid ng pagka-bis (bis: in short for bisaya). Matapos kong sabihin yun kay mama, isang mahalagang leksiyon ang natutunan ko... WAG KANG MANGAASAR SA TAONG MAY HAWAK NA KUNG ANOUMANG MAAARI NIYANG IBATO". Binato ako ni mama ng sandok dahil nagluluto siya.


Nung bakasyon, nagpunta kami ng bohol. Hometown ni mama. Excited ako makita ang dating lugar ng nanay ko. Nakakatuwang isipin na maraming mga bagay ang pinagdaanan muna ni mama bago siya makarating sa maynila.

Nung nasa Bohol na kami, nagulat ako sa mga nakita ko. First time ko sa VISAYAN REGION makapunta at first time ko din makapunta sa lugar kung saan hindi ako masyadong maintindihan kahit na magtagalog ako ng matatas. Purong bisaya talaga ang mga tao doon. As in biaya talaga ang kinalakhan nilang linggwahe.

Pagdating ko sa lolo't lola ko, nakakmangha si lolo. Daig pa ang kampanerang kuba. Sorry lo. Kurbadong kurbado ang likod ng lolo ko. Kakasaka siguro at kakangisda. Ayun. Kulang na lang sa kanaya eh gulong, aandar na siya at sabaysabay magpependungan ang mga tanga sa kalye.

Si lola naman hip pero bisayang hip. Hindi siya gaya ng ibang lola na parang tanggap na sa buhay na malapit na silang mamaalam. Si lola, kinukuwenta na siya raw ang pinkamagaling na artista dati sa mga piyesta tuwing may mga play sa plaza. Proud na proud si lola sa mga play niya. Sumsayw pa siya sa harapan namin. Nakaktuwa talaga si lola. Blisfully unaware na pinagtatawanan namin siya because she looks stupid. HAHAHAHA! Joke lang.

May mga Visayan terms din sa BOHOL na sobrang nakakatawa. Gaya ng salitang "tumoy". Ang "tumoy" ay kanto sa tagalog. Yata ah! hahaha. Hindi ko na matandaan. Kasi nakalimutan ko ang ibig sabihin nun. But anyways, hindi na mahalaga ang kahulugan nun basta nakakatawa siyang pakinggan.

At dahil wala akong magawa, ginawan ko siya ng isang eksena sa Bohol din mis
mo.

"ANG TUMOY"

Isang binata ng nagpacheck-up sa doktor dahil sa patuloy na pagsakit ng kanyang ulo. Matapos check-upin ay naghintay ang binata para sa kanyang mga resulta. Nang lumabas na ang doktor para ibalita ang findings...

BINATA: Dok?

DOKTOR: I hate to break the news, but We found a "TUMOY" in your brain. And we're only giving you one month to live. I'm sorry.

BINATA: HINDEEEEEEEE!


Masyadong O.A ang rection ng binata. Dahil kung ako ang sinabihan ng doktor non, imbis na maglupasay ay tatawa lang talaga ako.

Proud ako bisaya ang mga maglang ko at natutuwa ako pag nakikipagtalasyasn sila ng english sa aming mga magkakapataid. Makikita mo ang dugo sa ilong nila na tumtulong parang gripo.

Bakit nga ba naging tampunan ng tukso ang mga bisaya sa lipunan? Kahit sa jeep di mo maiwasang mapakbit balikat pag may nagsabing " MA, BAYAD OH! SHOW-BULEBARD" (pertaining to SHAW BOULEVARD.

Wala naman akong masamang intensiyon, masyahin lang talaga akong tao.







7/26/2008




PAANO KIKITA NG MALAKING PERA:



MAHIRAP NA ANG BUHAY NGAYON. Lahat na lang ata ng Pilipino ito ang idinadaing. Totoo nga naman. Mahirap na talaga. Kung nakakabigat lang ng lupa ng Pilipinas ang problemang pinapasan nito malamang eh nandun na tayo sa center of the earth.



Kagagraduate ko. Salamat sa dasal at biyaya may trabaho na ako bilang mambobote. Buti na lang nakapasa ako sa training, ang hirap pala. Ang taas ng standards. Joke lang.



I landed on a very decent job, although may mga hang-ups eh kaya namang solusyunan. Iba ang pakiramdam ng nagtatrabaho ka. Napakabigat. Hindi ang trabaho kundi ang responsibilidad na iniisip ko sa tuwing nagtatrabaho ako. Hindi pa ako sumusuweldo eh ubos na ang laman ng pitaka ko sa pagkwenta pa lang ng mga gastusin. Hindi ako pamilyadong tao, hindi rin naman ako breadwinner ng pamilya. Pero sa perang kikitain ko, wala na talaga akong maiipon. Kung meron man, tamang pang-pusoy dos na lang namin ng mga college friends ko. Taena. Kung nakakyaman lang palima-limampisong taya sa pusoy kahit 24 hours ako maglaro okay lang.



Kaya naman nang magkausap kami ng isa kong kaibigan, nag-isip kami ng mga paraan para naman makatipid. Feeling ko naman okay ang mga naisip namin, pero sa dulo napagtanto naming pareho lang kaming problemado at walang tulog.



KUMITA NG PERA!



1. Since advertising major ako at advertising din naman ang trabaho ko ngayon, napagisip naming mga magbabarkada na pumunta sa biggest drug dealer sa buong mundo. Tama. Malaki ang pera sa droga, kaya naisipan namin na mag-pitch (presentation ng isang full-blown campaign) sa biggest drug dealer ng mundo. At siyempre ang aming produkto ay ang di mamatay mamatay na droga. Inisip naming malaki ang pera dito. Kahit hindi na kami mag-tri media kakayanin ng flyers at isang malaking billboard sa EDSA. Simpleng copy lang naisip namin "DO NOT USE DRUGS, JUST BUY THEM" At least may social responsibility pa rin kami. Di pa rin namin sila hinihimok gumamait ng masamang gamot di ba? Isa pa ay ang " PANTANGGAL LIBOG" Ang target market namin dito ay mga babae. Maraming malilibog na lalaki sa mundo, matutuwa ang mga babae dahil madalas sila ang gumagawa ng purchase decision. Yayaman kami pag na-mainstream namin ang droga, yun nga lang baka isang araw pa lang eh hulihin na kami at kausapin ng Senado.



2. MAGLAKAD PAPUNTA SA TRABAHO. Nung una hindi ako sang-ayon dito. Dahil taga-laguna ako at sa THA FORT ang office namin. Inisip ko kagad kung paano ako aakyat ng SKYWAY. Pero sa madibdibang pagpapaliwanag sa akin ng kaibigan ko kung paano ako makakatipid ng pamasahe eh napapayag din ako. Isipin mo, pasok ko sa umaga ay 9, gigising ako ng 2 at aalis ng 3. Dadaan na ako sa ospital para magparesrve ng ambulansiya at ng kwarto dahil malamang nasa Alabang pa lang ako eh nag-collapse na ako.



3. MAGIMBENTO NG YOSI. Lucrative ang business ng yosi. People from all walks of life smoke. Kaya madali ang pera don. Maraming dahon sa paligid. Plano naming dikdikin na lamang iyon at gaeing laman ng yosi. Graphic artist ang isa kong kaibigan kaya solve na kami sa packaging atr label. Ibebenta namin ito sa mga adik. Ano bang alam ng mga adik sa kung ano pa ang normal di ba?



4. SUMALI SA MGA GAMESHOWS: Kanya-kanya ng mga choices, may WHEEL FO FORTUNE, GAME K N B?, at DEAL OR NO DEAL. Sabi ko naman sa WOWOWEE ako sasali. Madali lang dun, magbibilad lang ako araw para magbalat uling, hindi magaahit at hindi maliligo. Tiyak na ang physical appearance ko nun. Tapos sa artihan portion naman, dadalhin ko ang aso ko. Bago ko siya dalhin tatanggalan ko muna ng isang mata at isang tenga. Para lalong magmukhang kawawa. (sorry MAPHIE). Sasabihin kong si Maphie na lang ang kasama ko sa buhay ko at ang mga magulang ko ay iniwan ako ng bata pa ako at pumunta sila sa ibang bansa para takasan ang kaso nilang murder at forgery. Tapos iiyak ako, sasabihin kong nasa ospital ang isa kong kaibigang kumakain ng apoy sa perya dahil naaksidente nang makalimutan niyang dapat pa lang patayin ang apoy. Maaawa si pappy at makikita niyang kailngan ko ng pera. Bibigyan niya ako ng excess. Tapos sa talent ko, iinvite ko si Stella Ruiz at magduduet kami ng "CRY OVER YOU" niyang kanta. Kawawa naman siya, di siya sumikat sa kanta niya.



5. MANGHOLDAP. Nagkakatinginan lang kaming lahat nang masabi ito. Naisip naming pare-pareho pala kaming may mga pera non. Malamang magkawalaan ng wallet pag nagkatulugan na.



6. PUMUNTA KAY EDDIE GIL. Mangungutang kami, Kahit wala siyang pera mangungutang kami. Alam naming gagawan niya ng paraan para lang may mapautang siya pag sinabi namin sa kanyang siya talaga ang gusto ng karamihan ng mga PILIPINO na maging presidente. Dahil gaya ng bawat PILIPINO, sing-taas ng langit ang pangarap niya.



7. UMAKYAT SA MGA BUS AT MAMALIMOS. Effective to. At makatotohanan. Sumaky kayo sa EDSA ng bus. Maraming mga artistang kalye na kala mo walang tirahan.



Matapos ang ilang diskusyon, napagtanto naming wala pa kaming tulog. Kaya nagpaalamanan na ang lahat at nag-babye na.



GAGAWIN NAIMIN ITO LAHAT. PROMISE.



7/25/2008




KWENTO NG OOOMPA-PA.


Noong hihgschool kami ay uso ang speech choir, kung saan isa ito sa mga malaliking competition sa school. By year level ang labanan. Masaya ang practice kasi laging walang klase. At masaya ang walang klase dahil nakaktulog ako.

Ang piece namin noon ay "THE BALLAD OF THE OYSTERMAN", isang kwenton korni ito. Habang nagiisip si Gonzales at ibang mga epal sa classroom ng tono na gagawin at actions, tamang tambay muna kami sa corridor kung saan nakikipagtsismisan sa kabilang classroom.

PRACTICE TIME

Sinimulan na ang pagtuturo, nakuha na ang tono at ngayon ay gagawin naman ang mga stunts. May action kami na magpapalit ang babae at lalaki ng pwesto. Mula kanan lilipat sa kabila ang grupo ng mga lalaki at ganun din naman ang mga babae. So, magkakasalubong kami noon. Gagawin namin yon habang sinasabi ang linyang "OOM-PA-PA" ng may conviction at buong puso mo isya dapat sabihin. Kasalubong ko noon si Che, ang classmate kong mataba na maitim pero matalino.

WORST NIGHTMARE:

Nang isinagawa na namin ang stunt, nagkasalubong na kami ni Che, at pag daan niya sa akin, may napansin akong nakalawit sa ilong niya na medyo color green. Dahil fast-phase ang movement namin di muna ako nagconclude kung ano yun. So, isa pang practice para maconfirm ko kung ano nga yun. Second time. Hindi ako namamlik mata. May nakusli nga, may nakasilip na animo'y nagpaparamdam. Nang nag-break.

HYPOTHESIS:
Kulangot ang nakalawit sa ilong ni Che.

EXPERIMENTATION:
Lumapit ako kay Che para kunyari may itatanong ako. At pag lapit ko, isang malaking "WHOA" na lang ang sinabi ko sa loob ko.

CONCLUSION:
Isa ngang kulangot ang nakalawit at gustong kumawala mula sa pagkakabihag.

Hindi ko sinabing may kulangot siya. Hindi ko alam kung paano sasabihin. Nagpatuloy ang praktis kasama ang naghihingalong kulangot sa ilong ni Che. At di nagtagl ay marami nang nakapansin at nagtatawanan na ang lahat. Hanggang lumapit na si Fatima, isang kaibigan ni Che at sinabihan na siya nito.

Tinanggal na ni Che ang kulangot. Nalungkot na ang buong klase. Wala ng excitement sa practice.


TANONG:

Ano kayang sinabi ni Fatima kay Che? Pano niya sinabing may booger siya?

THEORY:
" Che, kulangot mo naman, hindi na makahinga sa loob ng ilong mo. Magbawas ka naman"


NOTE: Hindi po ako masamang tao. Sadyang masayahin lang ako. Hhahahah.



7/23/2008



TIPS PARA SA ISANG MASAYANG BUHAY: (NOT ADVISABLE TO EVERYONE)





1. Manlait ng kapwa. As in literal na kapwa. Kung pangit ka, manlait ka din ng kapwa mo pangit. Kung pango ka manlait ka ng kapwa mo pango. Mas maiging piliin mo ang mga kaibigan mo. Ang kaligayahan dito ay depende kung paano ka titirahin din ng nilalait mo.

ISANG MABUTING HALIMBAWA:

Sa Mc Donalds...

MANLALAIT: Bakit ganyan ang ilong mo? Ang laki?

NILALAIT: Liit ng ilong mo ah?

MANLALAIT: Alam kong sarat ako, pero bagay naman sa mukha ko, cute pa rin naman ako.
Yung sa iyo kasi, parang Palawan Cave. As in, may nakatira ba diyan? Mga ninja?
Maliit naman mukha mo. Pero center-piece yang ilong mo eh. Borgang ilong!

NILALAIT: Ang sama mo! Ganun talaga pag maganda ka hindi lahat dapat perpekto sa iyo.
Dapat may flaws! Tignan mo ikaw, bagay nga sayo yang ilong mo, napakalaki naman
ng panga. At least safe ka sa mga holdapers. Pwede mong gawing shield yan pag na-
holdap ka. Tsaka isipin mo, all-around yang panga mo, pwedeng chopping board,
inclined plane tsaka pag naglaro tayo ng 1-2-3 pass eh sigurado kahit limang beses
ka matalo hindi mapupuno yang mukha mo.

MANLALAIT: Ngayon ko lang nakita ang mga potentials ng panga ko. Kung sa bagay may punto
ka. Allow me to distuinguish the uses of your bloated nose.

Pwede ka magnakaw ng walang makakapnasin. Singhutin mo lang ang gusto mong
nakawin at for sure safe na yun sa loob ng ilong mo. Parang warehouse na rin yan
sa laki eh. Tapos pwede mo na ring maging pirma yan. Lagyan mo ng ink ang
outer skin niyan eh pwede mo ng itatak. Perfect eight eh oh? Ang lupit.

NILALAIT: Tarantadu! Ang sama mo talaga.


Isa lamang yang halimbawa. Ang saya ay nanggagaling sa kung paano ka rin lalaitin ng nilalait mo. Masaya yan kung magaling kang manlait. Hahahaha! Wag kang manlalait ng hindi mo kapwa. Dahil number one, wala kang karapatan. Kung galisin ka at manlalait ka ng makinis eh mahiya ka naman. Itinalaga ang pagkakaiba-iba ng mga tao para lalo mong makita ang kahinaan mo.

2. Mangulangot once a day- There's nothing like the feeling of sticking your finger into your nose holes. Liberating ang pangungulangot. Maniwal ka. Huwg mo namang gawin sa harap ng maraming tao dahil kadiri ka naman nun. At lalong wag mong isusubo pagkakkuha mo dahil hindi ka na tao nun. May pagkain naman. Kung wala kang pambili bibigyan kita. Anumng daliri ang gamit mo, masarap pa rin. walang tatalo sa ginhawang nadudulot lalo pa at nakikita mo ang bunga ng pinaghirapan mo--- Ang kulangot.

IBA-IBA ANG KLASE NG KULANGOT.

a. Malagkit- ito ang mga kulangot na mahirap kunin kung minsan. Kulay berde(plema) ang mga ito.

b. Solid- ito naman ang mga kulangot na napaglipasan na ng panahon sa loob ng iyong ilong. Mapapansing pagkakuha mo nito ay may kasama na itong mga buhok, which is masakit at talaga namang mapapluha ka sa sakit. Pero rewarding pag nakuha mo na ito.

c. MALIKOT- ito ang pinakaayaw kong kulangot. Ito yung nakuha mo na pero dumudulas pa lalo sa loob ng ilong mo, hanggang ang tanging paraan na lamang para makuha mo ito ay isinga which is ayaw nating mangyari dahil gusto nating nakikita natin ang bunga ng pasghihirap natin.

d. DARK- kulangot na maiitim. Dahil sa polusyon at dahil na rin sa dumi ng hangin.

e. HILAW- Ang kulangot na .liquid pa pero pwede nang dukutin.


New Year's Eve ang pinakamasarap na time para mangulangot. Dahil sa dami ng paputok, at usok nito, tiyak makakajakpot ka ng maraming kulnagot.

3. MATULOG NG NANG HUBAD- Masaya ito. Dahil paggising mo sa umaga, hindi braso mo ang may bakat ng hinigaan mo kundi buong katawan mo. Masaya din kasi malamig and it guarantees to give you a longer time to sleep.

4. AMUYIN ANG MAMAWIS MAWIS NA KILIKILI- Kung may putok ka, wag mo n amuyin pa, dahil sa mundo iisa lang amoy ng putok. Masaya amuyin ang kilikili.

Ayan lamang ang ilan sa mga gawaing mgpapasaya sayo sa araw-araw. Hindi man kasing saya ng pagtama sa lotto, masaya pa rin yan. Isipin mo ang ligaya na nakukuha mo dito at damhin mo ito. Lalo na yung pangunguklangot.